Listahan ng mga pagkain para sa buntis

Lahat ng ina ay gustong lumaking matalino at malusog ang kanilang mga sanggol. Lahat ng ito ay nakadepende sa pagkaing kakainin ng ina habang pinagbubuntis pa lang ang kanilang anak. Kailangan ng tamang pagkain at masustansiya ang kinakain ng mga buntis. Kung hindi masustansiya at salat sa pagkain, isisilang ang sanggol na sakitin at magkakaroon ng negatibong pag-uugali. Mahalagang malaman ng mga nagdadalantao na ang mga kinakain nila ay nakakaapekto din ito sa brain development, pag-uugali at kalusugan ng mga sanggol na nasa sinapupunan.

Yoghurt

Ang katawan ng isang buntis ang may malaking pagbabago lalo na sa panahon na nabubuo pa lamang ang utak ng sanggol, sa loob ng sinapupunan. Dahil dito kailangan ng katawan mo ng pagkaing mayaman sa protina. Ang Yoghurt ay isa sa mga mayaman sa protina. Maliban sa protina, may calcium din ito kung saan kailangan ng isang buntis.

Sariwang Pagkain

Ang prutas at gulay ay mayaman sa antioxidant kung saan nagproprotekta ng utak ng sanggol laban sa mga pinsala o sakit sa loob ng tiyan ng ina. Mas mainam kung ang kakainan ng buntis ay gaya ng mga blueberries, kamatis, red beans at kale (isang uri ng dahon ng gulay). Ang mga ito ay mas mataas ang antioxidants kung saan tumutulong sa pagprotekta ng brain tissue ng sanggol. Malahagang hugasan muna ang mga gulay at prutas bago kainin.

Itlog

Ang itlog ang mayaman sa Amino Acid Choline, kung saan mas mabilis ang brain development at matalas na memorya. Ang babaeng buntis ay kailangang kumain ng dalawang itlog kada araw. Nagbibigay ng kalahating halaga ng Choline na pinapayong kailangan sa mga buntis. Mayaman din ang itlog sa Iron at Protien o Protina na nakakatulong sa bigat ng timbang ng sanggol. Ang mga pinapanganak na sanggol na may mababang timbang madalas ay mababa din ang IQ o Intelligence Quotient nito.

Spinach ( uri ng dahon ng gulay), Beans at Lean Chicken ( walang balat na laman ng manok)

Ang Spinach, Lean Chicken at Beans ay mayaman sa Iron kung saan nakakapagpatalino ito sa sanggol na nasa sinapupunan. Ang Iron ay tumutulong upang magdadala ng oygen sa brain cells ng sanggol. Maaring uminom ng tablet na mayaman sa Iron sa payo ng iyong doctor.

Matabang Isda o Mamantikang Isda

Ang isda gaya ng Salmon, Tuna, Mackerel ay mayaman sa Omega-3 Fatty Acid. Ang Omega-3 Fatty Acid ay isa sa mga importante sa pagbuo ng utak ng sanggol na dinadala ng ina sa tiyan. Ayon sa pag-aaral ang ang mga buntis na kumakain ng isda ng mas mababa sa dalawang beses sa isang linggo, ang mga sanggol na kanilang pinapanganak ay mababa ang IQ at negatibong pag-uugali. Iwasang kumain ng mga malalaking isda na kumakain ng kapwa isda gaya ng swordfish, shark at iba pa dahil nagdudulot ito ng pagtaas ng Mercury. Ang Mercury ay isang ng hangin na binubuga ng mga pabrika kagaya ng semento, power plant at marami pang iba. Maraming bagay na kinakailangan ng mercury gaya ng Thermometer, Thermostat, ilaw. Ang Mercury ay delikado sa pinagbubuntis dahil makakaapekto ito sa utak ng sanggol. Maaring uminom ng Fish Oil Capsule ang isang buntis kung hindi ito kumakain ng sariwang isda.

Vitamin D

Ang bitaminang ito ay nakakatulong sa pagbuo ng utak ng sanggol upang tumalino. Ayon sa pagaaral ang sanggol na pinanganak na mababa ang Vitamin D ay mahina ang utak. Importante sa nagdadaltaong may bitamina D na iniinom at pagpapainit sa araw tuwing umaga. Tandaan makakabuti ang pagpapainit ngunit hindi maganda ang at kapag tirik na ang araw. Magandang kumain ng mga mayayaman sa bitamina D gaya ng itlog, karne ng baka, keso, atay at iba pa.

Folic Acid

Mahalaga ang pagkakaroon ng pag-inom ng bitamina na mayaman sa Folic Acid dahil nakakatalino din ito sa sanggol. Ayon sa pagaaral ang mga inang umiinom ng gamot na Vitamin D ay mababa ang porsyentong magiging Autistic ang kanilang bagong silang na anak. Ang Autistic ay isang uri ng sakit kung saan matagal ang pagresponde ng utak ng bata na nagging sanhi ng bulol na salita, mabagal na pagsasalita at ang iba naman ay hindi nakakapagsalita. Ngunit may mga Autistic na tao na nagging matalino kagaya ni Albert Einstein, kung saan limang taon na siya bago nakapagsalita. Kumain ng pagkaing mayaman sa bitamina D kagaya ng mga kulay berdeng dahon ng gulay, atay, baga at maraming pang iba. Uminom ng folic acid supplement gaya ng B12.

Iodine

Ang kakulangan ng Iodine sa mga buntis ay nakakapagpababa ng IQ ng bata. May maiging kumain ng pagkain na may iodize salt, makakatulong din ang mga pagkaing isda na galing sa dagat, talaba, tahong at kung anu-ano pang mayaman sa Iodine.

Wastong Pagkain


Ang pinakaimportanteng parte sa brain development ng bata ay kung gaano kadami ang pagkain na iyong kinakain araw-araw. Ang kulang at sobrang pagkain ay hindi mainam para sa brain cells ng sanggol. Maging sanhi ng pagkasira ng pagbuo ng utak nito. Maaari ding maapektuhan ang pag-uugali ng sanggol. Ang tamang calories na dapat pumapasok sa katawan ng isang buntis ay 300 calories.

Ang wastong nutrisyon habang nagbubuntis ay napakahalaga upang ang bata ay lumaki at magdevelop. Pregnancy is what most couples are waiting for. They wanted to become parents as soon as they get married and have a healthy baby. With this, nutrition plays a significant role to achieve a good health for both the mom and the baby. Dapat kang umubos ng 300 o higit pang calories bawat araw na karagdagan sa iyong kinakian buhat noong ikaw ay hindi pa nagbuntis. Datapuwat ang pagsusuka at pakiramdam na nasusuka sa mga unang buwan ng pagbubuntis ay nakakapagpahirap sa buntis kumain, marapat na kumain ng well-balanced na diet at uminom ng vitamins kahit pa wala masyadong gana upang maiwasang magkasakit. Narito ang ilang mga rekomendasyon na dapat kainin at hindi dapat kainin habang nagbubuntis upang ikaw at ang iyong baby ay maging healthy:

First time parents may not be aware of what food should a pregnant woman avoid. Sometimes, they have this misconception that a pregnant woman is supposed to eat for two and she can eat everything that she wants and what seems nutritious. However, the truth is, pregnant women should be cautious of whatever goes into her body because this may not only affect her health but also her baby's.

Ano Mga Pagkain na dapat kainin:
Kumain ng ibat-ibang klase ng pagkain upang makuha ang lahat ng nutrients na kinakailangan. Ang rekomendadong pang-araw-araw na serving ng kanin at grains ay 6 to 11, 2 to 4 na servings ng prutas, 4 or higit pang servings ng gulay, 4 na servings ng dairy products, 3 servings ng protina (karne, manok, isda, itlog o mga mani).

Pumili ng high fiber na pagkain at mataas ang fiber content tulad ng whole-grain na tinapay, cereals, pasta, kanin, prutas, at gulay.Siguraduhing nakakakuha ng sapat na vitamins at minerals araw-araw sa iyong diet habang nagbubuntis. Ang doctor ay maaaring magrekomenda sa iyo ng wastong vitamins.Kumain at uminom ng hindi kukulangin sa apat na servings ng dairy products at calcium-rich foods araw-araw upang siguraduhing makakakuha ka ng 1000 hanggang 1300 mg ng calcium upang hindi manghina ang iyong mga buto at ngipin.Kumain rin ng hindi bababa sa 3 servings ng iron-rich na pagkain araw-araw upang siguraduhing nakakakuha ka ng 27 mg ng iron kada araw. Ito ay upang hindi magkaroon ng anemia at magkaroon ng maraming oxygen sa dugo. At ito ay panlaban rin sa kinakatakutang mangyari na magka-blood loss sa panganganak.Marapat na kumain ng pagkain na marami ang vitain C araw-araw tulad ng oranges, grapes, strawberries, papaya, broccoli, cauliflower, kamatis at marami pang iba. Ang mga buntis ay kailangan ang 70 mg na Vitamin C araw-araw.Pumili rin ng hindi bababa sa isang source ng folic acid araw-araw tulad ng dark green leafy vegetables, mga legumes tulad ng black beans at green peas. Ang buntis ay kailangan ang 0.4 mg na folic acid kada araw upang maiwasan ang problema sa pagdevelop ng “neural tubes” ng bata.Pumili rin ng mapagkukunan ng vitamin A kada sa susunod na araw. Ang mga mapagkukunan ng vitamin A ay carrots, kamote, kalabasa, singkamas, cantaloupe at marami pang iba.

Ano Mga Pagkain na Bawal o Dapat Iwasan ng mga Buntis? Ano mga pagkain at gamot na bawal sa nagbubuntis?
Tunay na hindi biro ang pagbubuntis ng isang ina, sila ay nakararanas ng mga paglilihi, pagtaas ng timbang, pamamanas ng binti, pananakit ng likod at tiyan na kailangan dalhin sa loob ng 9 na buwan. Marami din silang pag-aalala o mga katanungan sa pagbubuntis. Kabilang dito ang dapat at hindi dapat kainin habang buntis.

Para maging ligtas ang sanggol at ang kanyang ina, magandang alamin ang mga bawal o hindi dapat kainin tulad ng mga sumusunod:

1.     Mga Isdang Naglalaman ng Mataas na Mercury (High-Mercury fish) - ang mercury ay may nakakalason na elemento at madalas makikita ang mga isdang ito sa mga maruruming tubig. Ito ay nakakasira sa sistemang nerbiyos (nervous system), immune system at bato. Ito ay ipinagbabawal sa mga babaeng nagdadalang-tao dahil sa epekto nitong makasira sa tamang paglaki ng bata sa sinapupunan. Kailangang limitahan ang pagkain nito sa isa o dalawang beses lng sa isang buwan. Ang mga isdang mataas sa mercury ay ang:

Ø  pating (shark)

Ø  isdang-ispada (swordfish)

Ø  Galunggong  (King mackerel/Round scad)

Ø  Tuna gaya ng albakora (tuna albacore)2.     Hilaw na Isda (Uncooked or Raw Fish) - ang mga hilaw na isda tulad ng molusko (shellfish) ay pwedeng magdulot ng bakterya, virus o parasites sa katawan tulad ng novovirus, vibrio, salmonella at listeria. Ang nagiging epekto nito ay ang pagkahina at pagkatuyot, ang impeksyon na mkukuha sa mga hilaw na pagkain na ito ay pwedeng ikamatay o maipasa sa bata sa loob ng sinapupunan. Ang listeria ay pwedeng dumaan sa inunan (placenta) at maipasa ito sa hindi pa naisilang na sanggol. Wala itong sintomas sa nagdadalang tao, ngunit ang sanhi nito ay panganganak ng wala pa sa sapat na kabuwanan, pagkakunan, pagkamatay ng bata pagkapanganak o malubhang karamdaman. 3.     Caffeine - ito ay matatagpuan sa mga inuming kape, tsaa, softdrinks at cocoa. Pinapayuan ang mga buntis na wag uminom ng mga inumin na may caffeine o limitahan lamang ng 200mg isang araw o katumbas ng dalawa o tatlong baso sa isang araw sa kadahilanang madali itong dumaan sa inunan at mapunta sa sanggol. Sila ay walang sapat na ensaym (enzyme) para tunawin ang mga ito. Pinipigilan din nito ang normal na paglaki ng bata at malaki ang tiyansang maipanganak ng wala sa tamang timbang ang sanggol.4.     Hindi Luto, Hilaw na Karne at mga prosesong pagkain - ang mga halimbawa nito ay karne ng baboy, manok, baka at maraming pang iba na hindi niluto ng mabuti. Ang hotdog, luncheon meat at karne ng deli ay hindi ligtas sa buntis dahil sa pagkakaroon nito ng bakterya habang prinoproseso. Malaki ang tiyansang magkaroon ng bakterya at parasitiko ang mga hindi lutong pagkain at maaring makunan o magkaroon ang problemang neurolohiya (neurological problems) ang bata sa sinapupunan tulad ng pagkabulag, sakit sa pagiisip at epilepsy.5.     Hilaw na Itlog - ang pagkakaroon ng lagnat, pagsusuka, pagkahilo, pananakit ng tyan at pagtatae ay mga senyales na natamaan ka ng bakteryang salmonella na makukuha sa mga hilaw na itlog. Ang impeksyon na ito ay ngdudulot ng kontraksyon, panganganak ng wala sa tamang panahon o pagkakunan.6.     Luya (Ginger) - ang ugat ng luya ay ginagamit pampalasa ng pagkain, ngunit ito ay pinagbabawal sa mga buntis dahil ang labis na pagkain nito ay nagdudulot ng pagdurugo at pagkakunan. Sinasabing ang tamang sukat ng pagkain ng luya ay 1500mg pababa at mas mainam na kumunsulta sa doktor.Ang mga buntis ay kinakailangan ding uminom ng mga gamot o mga suplemento habang sila’y nagbubuntis . Ngunit ang mga  sangol ay naapektuhan din dahil ang kanilang  mga atay at bato (kidneys) ay hindi pa lubos na buo, kaya nahihirapan silang maproseso  ang mga gamot na iniinom ng kanilang ina. Ano nga bang mga gamot ang di ligtas habang nagbubuntis?A.         Aspirin, Ibuprofen, at Naproxen -  madalas gamitin ang mga ito pantanggal ng sakit sa ulo at katawan.   Ang hindi alam ng nakararami ay malaking pinsala ang maaring maidulot nito sa isang nagbubuntis.  Pinipigilan nito ang prostaglandin ng ating katawan. At sa nagbubuntis, napakahalaga nito dahil naaapektuhan ang pagresponda ng  matres sa pagsuplay ng dugo sa sanggol.B.         Ribavarin o mga antiviral drugs -   ito ay kadalasang ibinibigay sa may mga sakit na hepatitis C. Ipinagbabawal ito sa mga buntis dahil direktang naapektuhan ng gamot ang lumalaking sanggol, na maaring ikamatay nito.C.         Tetracycline – isang antibiotic na gamot na madalas nirereseta sa mga may UTI (urinary tract infection), gonorrhea, chlamydia, at acne.  Ito ay ipinagbabawal sa nagbubuntis at nagpapasuso. Maaring maapektuhan ang  paglaki ng mga buto at ipin ng sangol.D.         Laxapro – isang anti-anxiety and antidepressant na gamot.  Maaaring  magdulot ito ng problema  sa sanggol lalo na sa kanyang  puso (heart defects), sa gulugod  (spine), at maging depormasyon ng paa (clubfoot).E.         Depakote – ito ay mga gamot para sa epilepsy. Maaaring magdulot ito ng birth defects at problema sa pagiisip (cognitive function) ng sanggol.F.         Dalmane -  mga gamot na pangpatulog o gamot sa may mga insomnia. Pwede itong magdulot ng problema sa pagiisip, ADHD (attention deficit hyperactivity disorder), birth defects,  at maging pagkamatay ng sanggol.G.         Chlorpheniramine  at phenylephrine  (decongentants) -  ito ay mga gamot sa sipon. Ipinagbabawal ito sa unang 3 buwan ng pagbubuntis .  Dahil ito ay ang panahon kung saan binubuo ang mahahalagang parte ng katawan  ng sanggol.

Para sa mga buntis o nagbabalak magbuntis, mahalagang tandaan na ang iyong sanggol ay umaasa sa iyo para sa suplay ng pagkain, inumin, dugo at hangin. Kaya anuman ang iyong kinakakain at iniinom ay tiyak na makakaapekto sa kanya.

Maaaring kumain ng kaunitng keso ngunit huwag nang dagdagan pa ng cheese dip ang iyong kinakain. Ang mga soft na cheese ay gawa sa “unpasteurized milk” o hindi pinakuluang gatas na maaaring may dalang listeria bacteria na maaaring makapaminsala sa iyo at sa iyong baby. Maaaring iwasan muna ang mga blue cheese, queso blanco at iba pa – pwera na lamang kung ang label nito ay nagsasabing pasteurized.Iwasan rin ang mga hindi masyadong naluto na mga karne. Ang hilaw o undercooked na mga karne ay maaaring may dalang toxoplasma na bacteria na hindi maganda ang epekto kapag nakapasok sa katawan.Iwasan rin ang hilaw na isda tulad ng sushi. Datapuwat maigi ang isda para sa buntis, ang hilaw ay maaaring may dalang parasites at bacteria na mapinsala sa kaulusugan.Iwasan ring kumain ng hilaw na itlog dahil maaaring may dala itong salmonella.Iwasan rin ang alcohol kaya mangyari lamang na iwasan muna ang lahat ng klase ng alcohol habang nagbubuntis,Kung ating susumahin, napakaraming dapat iwasang kainin habang nagbubuntis ngunit ang sekreto ay nasa pagpili natin ng ating dapat kainin. Huwag ring isipin na kainin lahat-lahat ng nirerekomenda. Dapat maliliit na servings lamang ngunit parati ang pagkain o “small, frequent feedings”. Kung paminsan-minsan, pwede mo ring i-treat ang sarili sa pagkain ng matatamis upang matugunan ang hinahanap-hanap na dessert. Ngunit huwag lamang pasobrahan ang pagkain.Bawal sa buntis ang mga pagkain na mataas sa mercury. Bagamat mayaman sa protina at omega-3 fatty acids ang mga isda at pagkaing dagat, ang iilang isda at molusko/ shellfish ay medyo mataas ang laman ng mercury. Nakakasama sa pagbuo ng nervous system o utak ng sanggol ang mercury. Tandaan na lalong malaki ang isda, lalong mataas ang laman ng mercury. Kasama na dito ang mga swordfish, shark, king mackerel at tilefish. Kailangan din iwasan ng mga buntsi ang kumain ng mga keso na gawa sa unpasteurized milk. Bukod dito, pinapayuhan ang mga buntsi na iwasan ang mga hilaw na pagkain o karne. Ito ay dahil maaaring may mga bacteria ito na mayroong mga sakit na makakasama sa ina at baby. At panghuli, bawal sa mga buntis ang mga alak, mga bagong freshly squeezed juices at uminom ng lumalagpas sa 200 mg ng caffeine kada araw. Mas malaki ang tsansa na makunan ang nanay (o stillbirth) kapag umiinom siya ng alak. Sa mga malalang kaso, posibleng magdulot ng tinatawag na fetal alcohol syndrome, na makakasanhi ng pinsala sa mukha, puso o utak ng sanggol. Kahit ang kaunting paginom ng alak ay maaaring makakasama sa baby.

Video liên quan

Postingan terbaru

LIHAT SEMUA