Ang pagitan ng mga taong handa na mag access sa mga computer at internet at sa mga hindi

Susunod: Handa ba ang iyong website na maghatid ng mga resulta?

Bago mo samantalahin ang lahat ng magagawa ng online marketing para sa iyong negosyo, tiyaking alam mo ang mga pangunahing impormasyon. 

Pagkakaiba sa pagitan ng mga ad at ng mga "organic" na resulta ng paghahanap

Sabihin nating nag-a-advertise ka ng iyong mga produkto at serbisyo sa Google Ads, ang online na platform sa pag-a-advertise ng Google. Kapag may isang taong maghahanap sa Google ng mga termino na nauugnay sa iyong negosyo, maaaring lumabas ang iyong ad sa itaas o ibaba ng page ng mga resulta ng paghahanap sa Google na may label ng ad. Ang placement ng iyong ad ay karaniwang ibinabatay sa kaugnayan at pagiging kapaki-pakinabang nito sa hinahanap ng isang tao, sa iyong bid at sa ilan pang salik.

Nagpapakita ang ibang seksyon ng page ng mga "organic" na resulta ng paghahanap. Mga hindi bayad na link sa mga website ang mga ito na naglalaman ng content na direktang nauugnay sa hinanap ng isang tao. Kung mas may kaugnayan ang site sa termino para sa paghahanap, lalabas ang link nang mas mataas sa listahan. Maaaring lumabas dito ang iyong nauugnay na website, ngunit hindi ang iyong ad. 

  Mga pakinabang ng online na pag-a-advertise 

Maraming pagkakaiba ang online na pag-a-advertise kung ihahambing sa tradisyonal na pag-a-advertise gaya ng mga dyaryo, ad sa TV o billboard. Mula sa mga opsyon sa ibaba, piliin ang pahayag na tunay na benepisyo ng online na pag-a-advertise. Ipapakita ng tamang sagot ang higit pang mga paraan kung paano makikinabang ang iyong negosyo sa Google Ads.

Maaaring makatulong ang pag-a-advertise online na mapahusay ang lugar kung saan lalabas ang iyong website sa mga organic (hindi bayad) na resulta ng paghahanap

Hindi. Walang epekto ang pagpapatakbo ng mga online ad sa lugar kung saan lalabas ang iyong website sa mga organic na resulta ng paghahanap. Tinutukoy ang mga organic na resulta ng paghahanap batay sa kaugnayan ng website sa hinahanap ng isang tao. Kapag mas may kaugnayan ang site sa termino para sa paghahanap ng isang tao (bukod sa iba pang mga salik), lalabas ang link nang mas mataas sa listahan.

Muling subukan upang makita ang mahalagang pakinabang ng online na pag-a-advertise.

Nangangailangan ang online na pag-a-advertise ng minimum na badyet

Magandang hula, ngunit hindi totoo ang pahayag na ito. Hindi nangangailangan ang Google Ads ng minimum na badyet. Gayunpaman, inirerekomenda naming magsimula ang mga bagong advertiser nang may average na badyet na 200PHP hanggang 2000PHP bawat araw upang magkaroon ng mas maraming oportunidad ang iyong mga ad na magpakita sa mga potensyal na customer.

Sa pamamagitan ng Google Ads, ikaw ang magpapasya ng halagang kumportable kang gastusin at magtatakda ng badyet nang naaayon sa iyo. Gagawin nitong naa-access ang iyong online na pag-a-advertise sa mga negosyong may limitadong badyet para sa pag-a-advertise.

Muling subukan upang makita ang mahalagang pakinabang ng online na pag-a-advertise.

Nagbibigay-daan sa iyo ang online na pag-a-advertise na ma-target ang iyong mga ad sa uri ng mga customer na gusto mo, at ma-filter iyong mga hindi mo gusto

Tama 'yan! Kapag nag-advertise ka online sa pamamagitan ng Google Ads, maaari kang gumamit ng iba't ibang paraan ng pagta-target upang maabot ang mga potensyal na customer sa mismong pagkakataon na hinahanap nila ang iyong mga produkto o serbisyo. Makakatulong ito na matiyak na gumagastos ka upang maabot ang mga tao lang na malamang na magiging customer mo.

Kapag nag-advertise ka sa tabi ng mga resulta ng paghahanap sa Google Search Network, pipili ka ng mga keyword na tutulong upang ma-target ang iyong mga ad sa mga taong naghahanap ng mga nauugnay na termino. Maaari mo ring piliing ipakita ang iyong mga ad sa ilang partikular na oras sa isang araw, at magtakda ng lokasyon at wika.

Kapag nag-advertise ka sa mga website na nagpapakita ng mga Google ad (tinatawag ding Google Display Network), maaari kang maging mas partikular sa pamamagitan ng pagpili sa edad ng mga taong gusto mong maabot, pagpili ng mga site na kanilang binibisita at ng mga aspetong kinaiinteresan nila.

Narito ang ilan pang mahalagang pakinabang ng online na pag-a-advertise sa pamamagitan ng Google Ads:

Pamahalaan ang iyong badyet

Ikaw ang magpapasya sa halagang gusto mong gastusin, at magbabayad ka lang kapag may nag-click sa iyong ad.

Alamin kung ano ang gumagana

Mabilis na subaybayan ang pagiging epektibo ng iyong ad at madaling gumawa ng mga pagbabago upang mapaganda ang mga resulta.

Umabot ng mas maraming tao sa mas maraming lugar

Makipag-ugnayan sa mga customer nasaan man sila—sa kanilang mga computer, tablet, mobile phone, at pati na rin sa mga app!

Iangkop ang mga ad sa iyong mga layunin

Samantalahin ang iba't ibang format ng ad at feature upang ma-customize ang iyong mga ad para sa iba't ibang layunin ng negosyo, gaya ng pagdaragdag ng naki-click na button na "Tumawag" sa iyong mga ad upang makatanggap ng mas maraming tawag, o paggamit ng mga video ad upang maipakita ang iyong brand.

Maaari kang magbayad upang mailagay ang iyong ad sa itaas ng mga organic na resulta ng paghahanap

Okay na rin, ngunit mali ito. Lalabas lang ang mga ad sa Google sa itaas o sa ibaba ng mga resulta ng organic na paghahanap na may label na ad. Hindi kailanman kusang lalabas ang mga ad sa mismong mga resulta ng organic na paghahanap.

Maaaring makaapekto ang halaga na handa kang gastusin para sa iyong ad sa lugar kung saan lalabas ang iyong ad kaugnay ng iba pang mga ad kapag may naghanap ng partikular na termino. Gayunpaman, walang magiging epekto ang iyong pagbabayad sa mga organic na resulta ng paghahanap na nagiging bunga ng paghahanap ng isang tao.

Muling subukan upang makita ang mahalagang pakinabang ng online na pag-a-advertise.

 

Sa palagay mo ba ay alam mo na kung ano ang online marketing at hindi? Tiyakin nating handa na ang iyong website sa trapikong maaaring dalhin ng iyong mga online ad.

Paano namin mapapaganda ito?

Full PDF PackageDownload Full PDF Package

This Paper

A short summary of this paper

37 Full PDFs related to this paper

Download

PDF Pack

Full PDF PackageDownload Full PDF Package

This Paper

A short summary of this paper

37 Full PDFs related to this paper

Download

PDF Pack

Postingan terbaru

LIHAT SEMUA